Ang mga Brassicales ay isang orden ng mga halamang namumulaklak, na nasa mga pangkat ng mga eurosida II ng mga dicotyledon sa ilalim ng sistemang APG II.[1] Ang isang katangiang karaniwan sa maraming mga kasapi sa orden ay ang produksiyon ng langkapan ng glucosinolate (langis ng mustasa). Karamihan sa mga sistema ng klasipikasyon ay nagbilang ng ordeng ito, bagaman kung minsan ay sa ilalim ng pangalang Capparales (ang pangalang pinipili ayon sa kung anlin ang dapat mauna).[2]
Sa ilalim ng sistemang Cronquist, ang Brassicales ay tinatawag na Capparales, at isinama sa piling ng mga "Dilleniidae". Ang tanging mga pamilyang kabilang ay ang Brassicaceae at ang Capparaceae (tinatrato bilang magkakahiwalay na mga pamilya), ang Tovariaceae, ang Resedaceae, at ang Moringaceae. Ang iba pang mga takson na kabilang na ngayon dito ay inilagay sa sari-saring mga orden.
Ang mga pamilyang Capparaceae at Brassicaceae ay malapit ang kaugnayan. Ang isang pangkat, na binubuo ng Cleome at kaugnay na henera, ay nakaugaliang ibinibilang sa loob ng Capparaceae subalit ang pagsasagawa nito ay nagreresulta sa isang parapiletikong Capparaceae.[2] Sa gayon, ang pangkat na ito ay pangkalahatan na ngayong ibinibilang sa loob ng pamilyang Brassicaceae o bilang pansarili nitong pamilya na Cleomaceae.[3][4]
Ang orden ay karaniwang naglalaman ng sumusunod na mga pamilya:[4]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.
Ang mga Brassicales ay isang orden ng mga halamang namumulaklak, na nasa mga pangkat ng mga eurosida II ng mga dicotyledon sa ilalim ng sistemang APG II. Ang isang katangiang karaniwan sa maraming mga kasapi sa orden ay ang produksiyon ng langkapan ng glucosinolate (langis ng mustasa). Karamihan sa mga sistema ng klasipikasyon ay nagbilang ng ordeng ito, bagaman kung minsan ay sa ilalim ng pangalang Capparales (ang pangalang pinipili ayon sa kung anlin ang dapat mauna).
Sa ilalim ng sistemang Cronquist, ang Brassicales ay tinatawag na Capparales, at isinama sa piling ng mga "Dilleniidae". Ang tanging mga pamilyang kabilang ay ang Brassicaceae at ang Capparaceae (tinatrato bilang magkakahiwalay na mga pamilya), ang Tovariaceae, ang Resedaceae, at ang Moringaceae. Ang iba pang mga takson na kabilang na ngayon dito ay inilagay sa sari-saring mga orden.
Ang mga pamilyang Capparaceae at Brassicaceae ay malapit ang kaugnayan. Ang isang pangkat, na binubuo ng Cleome at kaugnay na henera, ay nakaugaliang ibinibilang sa loob ng Capparaceae subalit ang pagsasagawa nito ay nagreresulta sa isang parapiletikong Capparaceae. Sa gayon, ang pangkat na ito ay pangkalahatan na ngayong ibinibilang sa loob ng pamilyang Brassicaceae o bilang pansarili nitong pamilya na Cleomaceae.