dcsimg

Tag-an ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Para sa ibang gamit, tingnan ang Tag-an (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Barasan (paglilinaw).

Ang mga tag-an[2][3][4] o barasan (Ingles: sawfish [literal na "isdang-lagare"] ay isang pamilya ng mga hayop-dagat na kaugnay ng mga pating at mga batoidea (mga manta). Kabilan sa pinakanatatanging kaanyuan nila ang mahaba at mangiping mga nguso. Kasapi sila sa mga pamilyang Pristidae sa loob ng ordeng Pristiformes, na nagmula ang pangalan sa Griyegong pristēs na nangangahulugang "isang lagari". Hindi sila dapat ikalito sa mga bukawin (ordeng Pristiophoriformes, tinatawag ding katambak o sapingan, mga "lagaring pating"), na may kahawig na anyong pangpangangatawan. Dahil nga sa pagkakahawig na ito, may kamaliang natatawag din ang mga tag-an bilang mga lagaring-pating[5] din.

Itinuturing ang lahat ng mga uri ng mga tag-an na lubhang nanganganib at ipinagbabawal ang pandaigdigang pangangalakal ng mga ito.[6]

Sanggunian

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Tag-an: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tag-an (paglilinaw). Para sa ibang gamit, tingnan ang Barasan (paglilinaw).

Ang mga tag-an o barasan (Ingles: sawfish [literal na "isdang-lagare"] ay isang pamilya ng mga hayop-dagat na kaugnay ng mga pating at mga batoidea (mga manta). Kabilan sa pinakanatatanging kaanyuan nila ang mahaba at mangiping mga nguso. Kasapi sila sa mga pamilyang Pristidae sa loob ng ordeng Pristiformes, na nagmula ang pangalan sa Griyegong pristēs na nangangahulugang "isang lagari". Hindi sila dapat ikalito sa mga bukawin (ordeng Pristiophoriformes, tinatawag ding katambak o sapingan, mga "lagaring pating"), na may kahawig na anyong pangpangangatawan. Dahil nga sa pagkakahawig na ito, may kamaliang natatawag din ang mga tag-an bilang mga lagaring-pating din.

Itinuturing ang lahat ng mga uri ng mga tag-an na lubhang nanganganib at ipinagbabawal ang pandaigdigang pangangalakal ng mga ito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia