dcsimg

Taraxacum ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Taraxacum (dandelions; Hapones: タンポポ Tanpopo o Tampopo) ay isang malaking sari ng mga halamang namumulaklak na nabibilang sa pamilya o angkan ng Asteraceae. Katutubo sila sa Europa at sa Asya, at ang kilala na dalawang mga uri nito, ang T. officinale at ang T. erythrospermum, ay laganap na matatagpuan bilang mga halamang damo sa maraming panig ng Daigdig.[1] Kapwa nakakain ang lahat ng mga bahagi ng dalawang uri ng Taraxacum na ito.[2][3] Ibinibigay ang karaniwang pangalang dandelion sa mga kasapi ng sari at katulad ng iba pang mga halaman na nabibilang sa pamilyang Asteraceae, mayroon silang kayliliit na mga bulaklak na kumpol o buo na sila namang bumubuo ng isang pabilog na mabusigsig na ulo ng bulaklak. Bawat isang mumunting bulaklak sa pabilog na ito ay siyang plorete (maliit na bulaklak na bahagi ng isang pumpon). Maraming uri ng Taraxacum ang naglalabas ng mga binhi sa paraang aseksuwal o apomiksis, kung saan ang binhi ay ganap na mabubuo pa rin kahit walang pinagdaanang panlabas na polinasyon, na nagbubunga naman sa pagkabuo ng mga supling na identikal o tulad sa henetikal ng pinagmulan na inang halaman.[4] Ang maliliit na mga parakayda ang pinaka binhi nito ay madaling mapadpad sa hangin at himpapawid upang dalhin sa malalayong lupain kung kaya't madali ang pagkalat at paglaganap ng uri ng halamang ito.

Mga sanggunian


BulaklakHalamanBotanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Bulaklak, Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Taraxacum: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Taraxacum (dandelions; Hapones: タンポポ Tanpopo o Tampopo) ay isang malaking sari ng mga halamang namumulaklak na nabibilang sa pamilya o angkan ng Asteraceae. Katutubo sila sa Europa at sa Asya, at ang kilala na dalawang mga uri nito, ang T. officinale at ang T. erythrospermum, ay laganap na matatagpuan bilang mga halamang damo sa maraming panig ng Daigdig. Kapwa nakakain ang lahat ng mga bahagi ng dalawang uri ng Taraxacum na ito. Ibinibigay ang karaniwang pangalang dandelion sa mga kasapi ng sari at katulad ng iba pang mga halaman na nabibilang sa pamilyang Asteraceae, mayroon silang kayliliit na mga bulaklak na kumpol o buo na sila namang bumubuo ng isang pabilog na mabusigsig na ulo ng bulaklak. Bawat isang mumunting bulaklak sa pabilog na ito ay siyang plorete (maliit na bulaklak na bahagi ng isang pumpon). Maraming uri ng Taraxacum ang naglalabas ng mga binhi sa paraang aseksuwal o apomiksis, kung saan ang binhi ay ganap na mabubuo pa rin kahit walang pinagdaanang panlabas na polinasyon, na nagbubunga naman sa pagkabuo ng mga supling na identikal o tulad sa henetikal ng pinagmulan na inang halaman. Ang maliliit na mga parakayda ang pinaka binhi nito ay madaling mapadpad sa hangin at himpapawid upang dalhin sa malalayong lupain kung kaya't madali ang pagkalat at paglaganap ng uri ng halamang ito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia