Ang Coffea liberica ay isang uri ng kape na nagmula sa bansang Liberia sa Kanlurang Aprika. Ang uring ito ay may mga katangiang tulad sa mga matatagpuan sa Coffea canephora.[1]
Tumutubo ang puno nito ng aabot sa 9 na metro ang taas. Ang mga bunga nito ay mas malaki sa mga bunga ng puno ng Coffea arabica. Dinala ang halaman sa bansang Indonesia noong ika-19 na siglo matapos patayin ng sakit ang mga puno ng kape doon. Hanggang sa kasalukuyan matatagpuan pa rin sa pulo ng Java ang puno.
Isa sa mga varietal ng Liberica ang Kape Barako ng Pilipinas. Kilala ang Lungsod ng Lipa sa paggawa nito. Kasalukuyang ititnatanim sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite ang halaman.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.
Ang Coffea liberica ay isang uri ng kape na nagmula sa bansang Liberia sa Kanlurang Aprika. Ang uring ito ay may mga katangiang tulad sa mga matatagpuan sa Coffea canephora.