Ang Molave, Mulawin, o Malaruhat ay isang uri ng puno sa pamilyang Verbenaceae, at ng kahoy na nakukuha sa punong ito. Ang ngalang-agham nito ay Vitex parviflora, ngunit itinuturing na rin na "molave" ang kahoy mula sa punong Vitex cofassus. Nanganganib itong maubos dahil sa kawalan ng lupaing kinatatamnan.
Madalas hiramin ang pangalan ng punong ito bilang pangalan ng mga lugar, tulad ng Molave, Zamboanga del Sur at Ilog Mulawin ng Los Baños, Laguna, ng mga institusyon at organisasyon, at bilang apelyido o palayaw ng tao.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.