Ang mirasol[1][2] o hirasol[2] (Ingles: sunflower, literal: "bulaklak na araw"; Helianthus L.) ay mga halamang matatangkad na nagkakaroon ng malalaking mga bulaklak na kulay dilaw ang mga talulot ngunit kayumanggi ang gitnang bilog na bahagi.[2] Sumusunod sa galaw ng araw ang mga ito.
Binubuo ang saring Helianthus o mirasol ng mga 67 na mga uri at ilang sub-uri sa pamilyang Asteraceae, lahat katutubo sa Hilagang Amerika at may ilang mga uri (partikular na ang Helianthus annuus (ang tunay na mirasol o karaniwang mirasol) at ang Helianthus tuberosus (artichoke ng Herusalem) na inaalagaan sa Europa at iba pang mga bahagi ng mundo bilang mga pagkaing-ani at mga pandekorasyong halaman.
Karaniwang matataas ang mga halamang ito na namumulaklak sa buong panahon ng taon, umaabot sa taas na 50 - 390 sentimetro. Kinakain ng mga uod ng ilang uri ng mga Lepidoptera ang ilang uri ng mga mirasol.
Narito ang mga uri ng mirasol kasama ang mga pangalang pang-agham at mga katawagan sa Ingles:
Ang mirasol o hirasol (Ingles: sunflower, literal: "bulaklak na araw"; Helianthus L.) ay mga halamang matatangkad na nagkakaroon ng malalaking mga bulaklak na kulay dilaw ang mga talulot ngunit kayumanggi ang gitnang bilog na bahagi. Sumusunod sa galaw ng araw ang mga ito.