dcsimg

Milong Kastila ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

 src=
Isang milong musko.

Ang milong Kastila, kantalupo, milong bato, milon[1] o melon[2] lamang (Ingles: cantaloupe, cantaloup, muskmelon, rockmelon) ay isang uri ng milon o melon na tumutukoy sa dalawang mga uri ng Cucumis melo[3], na isang uring nasa pamilyang Cucurbitaceae, na kinabibilanganng halos lahat ng mga milon at ng mga kalabasa. Sumasakop sa mga sukat o timbang na mula 0.5 kg hanggang 5.0 kg ang mga milong Kastila. Dating tumutukoy lamang ang kantalupo sa mga "walang lambat" na mga milong may lamang kulay narangha na mula sa Europa, ngunit naging kagamitan sa kasalukuyan ang mga katawagang para rito sa anumang milong may lamang kulay narangha o C. melo.

Samantala, ang Cucumis melo na milong musko ay isang uri ng milong umunlad upang magkaroon ng maraming inaalagaang mga uri. Kabilang dito ang mga may makikinis na balat na milong lunti, milong crenshaw, milon ng taglamig o milon ng tagniyebe, milong kasaba, iba pang magkakahalong lipi ng mga milon, at pati na ang iba't ibang mga "nalalambatang" mga kultibar (katulad ng milong Persa at "santa claus" o milong pasko). Katutubo ang mga muskong milon sa hilagang-kanlurang Indiya, na lumaganap papunta sa Tsina at Europa sa pamamagitan ng Imperyong Persa.[4] Nahahati ang samu't saring mga kultibar sa maraming mga kapangkatang pang-kultibar.

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Cantaloupe - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Cantaloupe". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Cantaloupe.
  3. cantaloupe at m-w.com
  4. Desai, B.B. (2004), Seeds handbook: biology, production, processing and storage (ika-2 edisyon), p. 298


PrutasPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Milong Kastila: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
 src= Isang milong musko.

Ang milong Kastila, kantalupo, milong bato, milon o melon lamang (Ingles: cantaloupe, cantaloup, muskmelon, rockmelon) ay isang uri ng milon o melon na tumutukoy sa dalawang mga uri ng Cucumis melo, na isang uring nasa pamilyang Cucurbitaceae, na kinabibilanganng halos lahat ng mga milon at ng mga kalabasa. Sumasakop sa mga sukat o timbang na mula 0.5 kg hanggang 5.0 kg ang mga milong Kastila. Dating tumutukoy lamang ang kantalupo sa mga "walang lambat" na mga milong may lamang kulay narangha na mula sa Europa, ngunit naging kagamitan sa kasalukuyan ang mga katawagang para rito sa anumang milong may lamang kulay narangha o C. melo.

Samantala, ang Cucumis melo na milong musko ay isang uri ng milong umunlad upang magkaroon ng maraming inaalagaang mga uri. Kabilang dito ang mga may makikinis na balat na milong lunti, milong crenshaw, milon ng taglamig o milon ng tagniyebe, milong kasaba, iba pang magkakahalong lipi ng mga milon, at pati na ang iba't ibang mga "nalalambatang" mga kultibar (katulad ng milong Persa at "santa claus" o milong pasko). Katutubo ang mga muskong milon sa hilagang-kanlurang Indiya, na lumaganap papunta sa Tsina at Europa sa pamamagitan ng Imperyong Persa. Nahahati ang samu't saring mga kultibar sa maraming mga kapangkatang pang-kultibar.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia