dcsimg
Image of Dendropsophus nanus (Boulenger 1889)
Creatures » » Animal »

Vertebrates

Vertebrata

Bertebrado ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang mga bertebrado o mga hayop na may gulugod o nagugulugudan (Latin: vertebrata, Kastila, Portuges: vertebrado, Aleman: Wirbeltier, Ingles: vertebrate) ay mga uri ng Hayop na miyembro ng sublapi Vertebrata (sa loob ng kalapian Chordata), partikular na ang mga kordatang may mga buto sa likod o gulugod. Bumibalang na may 57,739 mga espesye ang mga nailarawan nang mga bertebrado. Pinakamalaking subphylum ng ng kordata ang mga bertebrado, at naglalaman ng mga kilalang malalaking hayop na panglupa. Kabilang sa mga bertebrado ang mga isda, amphibian, reptilya, ibon, at mamalya (kasama ang tao).

Anatomiya at morpolohiya

Kabilang sa mga katangian ng subphylum na ito ang pagkakaroon ng sistemang muskular na kalakhang bumubuo sa mga magkatambal na mga kimpal o bunton; maging ang pagkakaroon ng sintemang sentrong nerbyos na bahagyang nakapaloob sa gulugod (kung mayroon). Sinasang-ayunan ng mga dalubhasa na ang pinakatangi-tanging pagkakakilanlan ng mga bertebrado ay ang pagkakaroon ng gulugod at kuwerdas na panggulugod, ng sisidlan ng utak, at ng panloob na mga sangkabutuhan (o iskeleton). Subalit hindi ito totoo sa mga isdang lamprey, bagaman pinagtatalunan kung totoo sa ilang mga kordata ang pagkakaroon ng sangkabutuhan.

Kasaysayang pang-ebolusyon

Nagsimulang magkaroon ng mga bertebrado noong mga may mga 530 milyong taon ang nakararaan noong panahon ng pagsabog na Cambrian, na bahagi ng kapanahunang Cambrian (ang Myllokunmingia ang siyang pinakaunang nakilalang bertebrado). Batay sa isang pagsusuring molekyular na isinagawa kaylan-lamang, kabilang sa mga bertebrado ang mga hagfish, habang ibinibilang na isang kapatid na grupo ng mga bertebrado (sa loob ng karaniwang taxon: ang mga Craniata) ng ibang mga dalubhasa.

Taksonomiya at klasipikasyon

Ang kaurian ng mga bertebrado batay kina Janvier (1981, 1997), Shu et al. (2003), at Benton (2004).[1]

  • Superklase Tetrapoda (bertebradong may apat na paa)
  • Serye Amniota (embriyong amniyotiko)
  • Klase Aves (mga ibon)
  • Klase Synapsida (reptilyang katulad ng mga mamalya)

Etimolohiya

Hinango ang pangalan ng mga bertebrado mula sa mga hanay ng buto ng gulugod (hanay panggulugod o kolumnang vertebral).

Mga sanggunian

  1. Benton, Michael J. (2004-11-01). Paleontolohiya ng mga Vertebrata (Pangatlong Edisyon edisyon). Palathalaang Blackwell. pp. 455 mga dahon. ISBN 0632056371/978-0632056378 Check |isbn= value: invalid character (tulong).

Bibliograpiya

Tingnan din

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Bertebrado: Brief Summary ( Tagalog )