Ang mga butonsilyo[3] (Ingles: daisy[3][4]) o ang pamilyang Asteraceae o Compositae (kilala sa Ingles bilang aster, daisy, o pamilyang sunflower o mag-anak ng mga mirasol) ay ang pinakamalaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, ayon sa bilang ng mga uri. Katulad o kauri ito ng mga krisantemo.[3] Alin man ang mga ito sa mahigit sa isandaang mga uri na katutubo sa Europa ngunit laganap na sa Hilagang Amerika.[4]
Namumulaklak ang puting butonsilyo, o butonsilyong may matang-kapong baka (ox-eye daisy), tuwing tag-araw na may bulaklak na may lapad na 1 hanggang 2 pulgada, at may maningning na dilaw sa gitna at may "sinag" na 20 hanggang 30 ang habang balingkinitan.[4] Mayroon ding mga uring dilaw ang bulaklak na may itim na gitna, katulad ng Susanang may matang itim (black-eyed Susan). Mayroon pa ring mga uring may dilaw na gitna ngunit may bughaw o rosas na sinag o talulot.[4] Ngunit pangkaraniwan ang mga butonsilyong may maliliit na mga bulaklak na may dilaw na gitna at puting mga talulot.[5]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bulaklak, Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.
Ang mga butonsilyo (Ingles: daisy) o ang pamilyang Asteraceae o Compositae (kilala sa Ingles bilang aster, daisy, o pamilyang sunflower o mag-anak ng mga mirasol) ay ang pinakamalaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, ayon sa bilang ng mga uri. Katulad o kauri ito ng mga krisantemo. Alin man ang mga ito sa mahigit sa isandaang mga uri na katutubo sa Europa ngunit laganap na sa Hilagang Amerika.
Namumulaklak ang puting butonsilyo, o butonsilyong may matang-kapong baka (ox-eye daisy), tuwing tag-araw na may bulaklak na may lapad na 1 hanggang 2 pulgada, at may maningning na dilaw sa gitna at may "sinag" na 20 hanggang 30 ang habang balingkinitan. Mayroon ding mga uring dilaw ang bulaklak na may itim na gitna, katulad ng Susanang may matang itim (black-eyed Susan). Mayroon pa ring mga uring may dilaw na gitna ngunit may bughaw o rosas na sinag o talulot. Ngunit pangkaraniwan ang mga butonsilyong may maliliit na mga bulaklak na may dilaw na gitna at puting mga talulot.