dcsimg

Humuhugong na bubuyog ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang humuhugong na bubuyog o umuugong na bubuyog (Ingles: bumblebee o bumble bee, nangangahulugan ang bumble, bigkas: /bam-bol/, na "humuhugong"[1]) ay ang anumang kasaping bubuyog na nasa saring Bombus, na nasa pamilyang Apidae. Mayroong mahigit sa 250 nakikilalang mga uri, na pangunahing umiiral sa Hilagang Hemispero.

Makalipunang mga kulisap ang mga bubuyog na humuhugong o bubuyog na umuugong na natatangi dahil sa mga guhit na itim at dilaw na nasa buhok ng kanilang mga katawan, bagaman mayroon ding mga uri may narangha o pula sa ibabaw ng kanilang mga katawan, o maaaring kabuoang itim lamang.[2] Isa pang kapunapunang katangian (ngunit hindi natatangi) ang malambot na buhok (mahabang may sangang setae), o himulmol, na tumatakip sa buong katawan, na nakapagpapalitaw at nakapagpapadamang parang kalat-kalat na mga hibla. Pinakamaitatangi ang mga humuhugong na bubuyog mula sa katulad na malalaki at mabalahibong mga bubuyog sa pamamagitan ng anyo ng panliko na hita ng babaeng bubuyog na humuhugong, na mayroong basket ng polen o korbikula; ginagamit ang isang makintab na kapatagang hubad, ngunit napapaligiran ng lamuymoy ng mga buhok upang mailipat ang mga polen (dulo ng bulaklak); sa katulad na mga bubuyog, mabuhok ang kabuoan ng hitang panlikod, at kumakalang ang mga grano o butil ng polen paloob sa mga buhok upang madala.

Katulad ng kanilang mga kamag-anak na bubuyog na pukyutan, kumakain ng nektar ang mga humuhugong na bubuyog at naghahakot ng mga polen upang mapakain sa kanilang mga anak.

Tingnan din

Mga sanggunian


Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Humuhugong na bubuyog: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang humuhugong na bubuyog o umuugong na bubuyog (Ingles: bumblebee o bumble bee, nangangahulugan ang bumble, bigkas: /bam-bol/, na "humuhugong") ay ang anumang kasaping bubuyog na nasa saring Bombus, na nasa pamilyang Apidae. Mayroong mahigit sa 250 nakikilalang mga uri, na pangunahing umiiral sa Hilagang Hemispero.

Makalipunang mga kulisap ang mga bubuyog na humuhugong o bubuyog na umuugong na natatangi dahil sa mga guhit na itim at dilaw na nasa buhok ng kanilang mga katawan, bagaman mayroon ding mga uri may narangha o pula sa ibabaw ng kanilang mga katawan, o maaaring kabuoang itim lamang. Isa pang kapunapunang katangian (ngunit hindi natatangi) ang malambot na buhok (mahabang may sangang setae), o himulmol, na tumatakip sa buong katawan, na nakapagpapalitaw at nakapagpapadamang parang kalat-kalat na mga hibla. Pinakamaitatangi ang mga humuhugong na bubuyog mula sa katulad na malalaki at mabalahibong mga bubuyog sa pamamagitan ng anyo ng panliko na hita ng babaeng bubuyog na humuhugong, na mayroong basket ng polen o korbikula; ginagamit ang isang makintab na kapatagang hubad, ngunit napapaligiran ng lamuymoy ng mga buhok upang mailipat ang mga polen (dulo ng bulaklak); sa katulad na mga bubuyog, mabuhok ang kabuoan ng hitang panlikod, at kumakalang ang mga grano o butil ng polen paloob sa mga buhok upang madala.

Katulad ng kanilang mga kamag-anak na bubuyog na pukyutan, kumakain ng nektar ang mga humuhugong na bubuyog at naghahakot ng mga polen upang mapakain sa kanilang mga anak.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia